-- Advertisements --

Tinawanan na lamang nina actress Yen Santos at dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang usapin na sila ay mayroong anak.

Sa video na inilabas ng actress ay nakaharap niya si Singson para sagutin ang lumabas na isyu na mayroon silang anak.

Sinabi ni Singson na pawang mga fake news ang lumabas na balita.

Una ng sinabi ng actress na ang bata na tinutukoy ng mga fans ay ang nakakabatang kapatid niya na inaanak sa binyag ni Singson.

Matagal na rin aniya nilang kaibigan ng pamilya ang Singson ng ilang dekada na.