-- Advertisements --

Nagdulot ng malaking sunog ang ginawang rocket attacks ng mga rebelde sa Yemen ang pag-atake nila sa Aramco oil facilities ng Saudi Arabia.

Ayon kay Huthi military spokesman Yahya Saree na patuloy ang ginagawa nilang pag-atake sa Aramco facilities sa Jeddah at mga vital facilities sa Riyadh.

Dahil sa pangyayari ay naantala ang ginagawang pag-eensayo ng mga kalahok ng Formula One racing.

Agad naman ng naapula ng mga otoridad ang sunog at tiniyak nilang hindi ito nakakaapekto sa karera.