(Update) BACOLOD CITY – Humingi na ng tawad ang yaya na dumukot sa kanyang alaga sa Lungsod ng Bacolod at nahuli ng mga pulis kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa suspek na si Irish Martir ng Purok Santol, Barangay Mandalagan, Bacolod City, nag-sorry ito sa mga magulang ng isa’t kalahating taong gulang na alaga matapos itong naaresto at ngayo’y nakakulong sa Bacolod Police Station 7.

Inamin nitong ipinakilala niya ang sanggol sa pamilya ng kanyang nobyo sa Miagao, Iloilo na kanilang anak.

Isang taon na rin aniyang sinasabi nito sa kanyang boyfriend na nasa Maynila ngayon, na anak nilang dalawa ang dinukot nitong sanggol.

Dahil dito, umaasa si Martir na mapatawad siya ng mga magulang ng bata bilang kapalit na rin sa pag-alaga nito sa kanya.

-- Advertisement --