-- Advertisements --

Hinikayat ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang Senado na aksiyunan na ang counterpart measure, ang digital fraud na layong patawan ng mabigat na parusa ang mga nasa likod ng scam.

Ito’y kasunod ng paglipana ng fake bank at e-wallet advisories na ipinapadala ng mga scammers.

Sinabi ni Yamsuan naging laganap ang mga scam na ito kung kaya’t ang mga bangko ay nagpapadala ng maraming mensahe sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng text, email at maging sa Viber na nagbabala tungkol sa mga mapanlinlang na pamamaraan.

Diin ng Kongresista , dapat maprotektahan ang mga consumers laban sa mga mapalinlang na taktika ng mga scammers gaya ng pagpapatibay sa panukalang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).

Ang nasabing batas ay inaprubahan na ng Kamara nuong buwan ng Mayo sa ilalim ng House Bill (HB) 7393.

Kaya panawagan ng Kongresista sa kapwa mambabatas sa mataas na kapulungan na aksiyunan na ang panukalang batas.

Maging ang mobile wallet providers at mga telecommunications companies hiling din sa Kongreso na pagtibayin na ang AFASA.

“On top of providing a shield of protection to consumers, the AFASA will also help safeguard the integrity of our financial system. We urge the Senate to pass its version of the AFASA to assure the public that they can continue to trust our financial system as we go forth with our inevitable shift to a digital economy,” pahayag ni Yamsuan.

Sa bersiyon ng Kamara, mabigat na parusa ang kahaharapin laban sa large scale online scams na mayruong penalty na P1 million hanggang P5 million.

Ngayong holiday season, magiging talamak na naman ang mga mapalinlang na mga taktika ng mga cybercriminals lalo na sa gagawing mga online shopping.

Panawagan ni Rep. Yamsuan sa publiko mag-ingat sa online shopping ng sa gayon hindi mabiktima ng scammers.