Naibenta sa auction ng mahigit $3.13 milyon ang matagal ng nawawalang X-wing fighter na ginamit sa original na “Star Wars” movie noong 1977.
Ayon sa Heritage Auctions na ito ay ginamit sa huling labanan ng “Star Wars: Episode IV- A New Hope” bilang Rebel Alliance laban sa Empire above the Death Star.
Mayroong bahagi ito na kulay pula na sumisimbolo bilang miyembro ng “Red Leader”.
Ang nasabing model ay pag-aari ng namayapang si Greg Jein na isang Oscar at Emmy nominated miniature-maker na kilala sa kaniyang mga gawa sa pelikulang “Star Wars” at “Close Encounters of the Third Kind”.
Nadiskubre ito ng grupo ng mga visual effects experts na tumulong sa pamilya ni Jein na hanapin ang mga koleksyon.
Sa unang bid ay umabot na agad ng $400,000 hanggang ito ay tuluyang tumaas pa.
Ang nasabing model ay hindi nagalaw na isang 1:24 miniature at isa sa apat na models na ginawa para sa pelikula.