Sumakabilang-buhay na ang professional wrestler na si King Kong Bundy sa edad na 61-anyos.

Ang balita ukol sa pagyao ng wrestler, na Christopher Pallies sa tunay na buhay, ay shinare ng kanyang matalik na kaibigang si David Herro sa Facebook.

“Today we lost a legend and a man I consider family. Rest in peace Chris. We love you,” saad sa post ni Herro.

Sa ngayon, hindi pa isinasapubliko ang sanhi ng pagkamatay ni Pallies.

Bumuhos naman ang reaksyon sa pagpanaw ng wrestler, mula sa wrestling industry hanggang sa mga tagahanga, na tinawag pa si Pallies bilang “hero” at “icon.”

Maaalalang sumikat si King kong Bundy noong 1980s nang makipagtuos ito kay Hulk Hogan sa isang steel cage match. (BBC)