Hinintay lamang ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na matuto siyang maging confident sa kanyang katawan.

Pahayag ito ng 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro kasunod ng rebelasyon na minsan niyang ikinonsidera ang pagpapabawas sa kanyang malulusog na dibdib.

Ayon sa pangatlong Pinay Miss Universe, hindi nito itinuloy ang pagsailalim sa breast-reduction procedure matapos nalaman na malaki ang mga peklat na maiiwan.

Dito na raw niya napagtanto na hindi dapat magpatalo sa insecurities kahit pa puntirya ng pang-aasar ang kanyang dibdib noong nag-aaral pa.

“I’m glad I didn’t let my insecurities get to me. Honestly, siyempre, nung bata ako na-insecure talaga ako sa katawan ko, especially dito (sa dibdib) kasi siyempre, inaasar ako sa school, ganyan, nahihiya ako. Pero as I got older I learned how to be more confident,” wika ni Pia sa idinaos na Instagram activity para sa fans.

Si Wurtzbach ay kilala sa madalas na pagpo-post ng kanyang mga bikini photos kung saan pinakabago ay ‘yaong nasa Maldives sila ng Venezuelan businessman boyfriend na si Jeremy Jauncey.