-- Advertisements --

Ipinakilala ang pinakapangit ng orchid sa buong mundo ngayong 2020 ng Royal Botanic Gardens sa Kew, London.

Ito ay ang Gastrodia agnicellus na isa sa 156 na plants and fungal species na pinangalanan ng mga scientist sa Kew.

Ang 11 milimeters na orchids ay maliit, kulay brown at hindi gaanong kaaya-aya ang hitsura.

Wala aniy itong dahon o anumang photosynthetic tissue.

Itinuturing ito na threatened species kaya nakalagay na siya sa national park.