-- Advertisements --
Sa kauna-unahang pagkakataon natigil sa airing ang tinaguriang “world’s longest-running” animated TV series dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.
Ang popular cartoon na “Sazae-san” ay naging regular na bahagi ng Sunday evenings sa Japan kung saan milyon-milyon ang mga viewers mula nang magsimula itong ma-ere noong 1969.
Ang serye ay ukol sa istorya ni Ms Sazae, isang suburban housewife kasama ang kanyang extended family.
Ayon sa broadcaster na Fuji Television ang animation dubbing ay natigil muna upang maging ligtas sa deadly virus ang mga staff.
Sa ngayon pawang mga re-runs at replays muna ang napapanood sa Japan.