deer Usa
-- Advertisements --

Iniulat ng US Department of Agriculture (USDA) ang insidente nang pagkahawa ng isang alagang usa o deer sa COVID-19 sa estado ng Ohio.

Sinasabing ito ang world’s first case ng COVID infection sa usa.

Ayon naman kay USDA spokeswoman Lyndsay Cole, wala pa silang impormasyon kung saan nakuha ng hayop ang COVID.

Pero posible aniyang na-expose ito sa tao, sa paligid o nakuha sa ibang mga hayop.

Una na ring iniulat ng USDA ang insidente ng pagkakahawa ng ilan pang mga alagang hayop tulad ng aso, pusa, tigers, lions, snow leopards, gorillas at iba pa.

-- Advertisement --