Pumanaw na sa edad na 103 ang isang Pilipinong World War II veteran at survivor ng Bataan Death March.
Kinilala ang nasabing beterano na si Thomas Mayor na residente ng Mesa, Arizona, USA.
Pinaniniwalaang si Mayor ay posibleng pinakahuling Filipino survivor na ng Bataan Death March
Batay sa kasaysayan ng bansa, humigit kumulang 2,500 na mga Pilipino kasama na ang 500 na Amerikanong Prisoners of War ang tinatayang namatay noong kasagsagan ng Death March. Maliban pa ito sa libo-libong namatay sa mga kampo kung saan ikinulong ang mga nahuling sundalong Pilipino at Amerikano.
Nag-iwan naman si Mayor ng anim na anak, 23 na apo, at 19 na apo sa tuhod. Dalawa sa mga apo nito ay bahagi na ng US Armed Forces.
Si Mayor ay lumipat sa Estados Unidos, ilang taon pagkatapos ng World War II at namuhay na sa nasabing bansa simula noon.