-- Advertisements --
image 365

Nanindigan si Asian Games gold medalist EJ Obiena na walang puwang ang iligal na droga sa larangan ng sports.

Ayon sa World No.2, hindi dapat pasukin ng mga etleta ang iligal na droga, lalo na at malaki ang impact nito sa kanilang pinasok na larangan.

Paliwanag ni Obiena, oras na napatunayang gumagamit ng iligal na droga ang isang atleta, tiyak nang mawawalan siya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang talento, dahil sa pagbabawala na siyang makapaglaro.

Maalalang una nang inakusahan ng misis ni French Olympic gold medalist at World No.1 Renaud Lavillenie, ang Pinoy vaulter na gumagamit ng iligal na droga.

Agad namang sumagot ang kampo ni Obiena at naglabas ng polygraph and EyeDetect test results, upang patunayang hindi nagsisinungaling si Obiena sa kaniyang paninindigan sa iligal na droga.

Samantala, sa loob ng 34 beses na sumailalim si Obiena sa drug test, hindi pa ito nagpopositibo.