Target ng World Health Orgnization (WHO) na mawaksan na ang public health emegencies na covid-19 at Monkeypox sa susunod na taon.
Kasabay na rin ng pagtatapos ng tinatawag na “most dangerous” phase ng nasabing diseases.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang pangunahing aral na natutunan mula sa covid-19 pandemic ay ang agarang pagtugon ng mga bansa sa biglang pagsibol ng outbreaks.
Pagdating sa covid-19, aniya ang lingguhang death toll ay katumbas ng 1/5 ng naitala noong nakalipas na taon.
Noong nakalipas na linggo aniyam nasa 10,000 pasyente na dinapuan ng covid-19 ang nasawi.
Kaya’t umaasa ang WHO na hindi na magiging global health emergency ang covid-19 sa susunod na taon.
Kaugnay nito, nakatakdang talakayin ng WHO emergency committee ang magiging epekto kung sakali ng pagtatapos na ng emergency phase ng diseases sa Enero ng susunod na taon.
Subalit inihayag ng WHO chief na mananatili pa rin ang virus at kailangan ng lahat ng mga bansa na matutunan kung paano ito pangasiwaan gayundin ang iba pang respiratory illnesses.
Sa monkeypox naman, nakitaan na bumaba ang naitatalang lingguhang kaso nito sa mahigit 90 porsyento simula ng ideklara itong public health emergencies of international concern (PHEIC) noong Hulyo.
Kapag nagtuluy-tuloy aniya ito, posibleng ayon sa WHO chief na magdeklara ng pagtatapos ng Monkeypox emergency sa susunod na taon.