-- Advertisements --
WHO

Labis na nag-aalala ang World Health Organization ukol sa posibleng panibagong wave ng kaso ng Covid19 virus sa China.

Hinimok ng organisasyon ang Beijing na mas pabilisin ang pagbabakuna sa kanilang mga residente lalo na sa may mga pinaka-mahinang katawan at kalusugan.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, dapat umanong magbigay ng mas malinaw at detalyadong impormasyon ang China sa mga pumapasok ng ospital at mga nangangailangan ng intensive care na dulot ng COVID19.

Aniya, sinusuportahan ng WHO ang China na ituon ang mga pagsisikap nito sa pagbabakuna sa mga tao na may pinakamataas na panganib sa buong bansa, at patuloy silang nag-aalok ng suporta para sa klinikal na pangangalaga at pagprotekta sa sistema ng kalusugan nito.

Kung matatandaan, mula noong 2020, ang China ay nagpataw ng mahigpit na mga paghihigpit sa kalusugan bilang bahagi ng tinatawag na “zero Covid” na patakaran sa kanilang bansa.