-- Advertisements --
Tiniyak ng World Bank ang mas pinadaling proseso para sa mga transaksyon sa kanilang tanggapan.
Buod ito ng magiging talakayan para sa 17th edition ng annual flagship report na gaganapin sa Biyernes sa Taguig City.
Bahagi ng hihimaying isyu ang mga hakbang para start-up businesses, operasyon nito, trading sa ibang bansa, pagbabayad ng buwis at pagresolba ng iba pang suliranin.
Personal na dadalo sa event sina Dr. Firas Raad, country manager ng Malaysia-World Bank Group; Arvind Jain, senior economist at statistician; Maksym Iavorskyi, analyst, World Bank Group at Margherita Mellone, analyst, World Bank Group.