Pinuri ni World Bank Country Director for the Philippines, Malaysia, at Thailand Ndiamé Diop ang Pilipinas dahil sa kahanga-hangang economic growth performance sa katatapos na Philippine Economic Briefing na ginanap sa Washingtong D.C. nuong April 12,2023.
Nagpahayag din ng suporta si Diop sa Pilipinas na nagsusulong ng mga infrastructure development na maituturing na “game changer.”
Naniniwala din ang World Bank Country Director na ang tamang pagtugon sa fiscal, monetary at ang exchange rate policies ang siyang dahilan na naging matatag ang paglago ng eekonomiya ng Pilipinas.
Nagpahayag din ng kumpiyansa ang opisyal na ang Pilipinas ay babangon para maabot nito ang middle-income status sa loob ng dalawang taon, batay sa projection ng World Bank.
” Since 2012, only two years had the Philippine Economy grown less than 6 percent. That was during the pandemic years 2020 to 2021 when the economy was completely shutdown.This is a very impressive growth performance. In fact, the country rebounded very strongly last year with 7.6 percent growth,” pahayag ni Ndiamé Diop.