-- Advertisements --

world bank1

Muling tiniyak ni World Bank Managing Director for Operations Anna Bjerde ang kanilang commitment at suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos na makamit ang target nito na maging maunlad na bansa, inclusive at poverty-free society sa taong 2040.
Nasa bansa si Bjerde para sa dalawang na pagbisita at nag courtesy call ito sa Malacañang Palace.

Binigyang-diin ng World Bank official na nakalinya ang kanilang Bank’s priorities sa development agenda ng Pilipinas.

Siniguro ng World Bank na suportado nila ang Pilipinas sa mga programa nitong climate change, renewable energy transition, food and agriculture, water and sanitation, innovation, at digitalization.

Sa pulong sinabi ni Bjerde simula nuong 2022 patuloy na lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas, at ang pagbaba ng Covid-19 cases ang siyang nagbigay-daan para sa pagbubukas ng ekonomiya.

Tinalakay din sa pulong ang mga programang suportado ng World Bank ay angTeacher Effectiveness and Competencies Enhancement Project (TEACEP) at Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up.

Layon ng panukalang TEACEP na ma-improve ang quality at ang access sa pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 6 partikular sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen (South Cotabato-Cotabato-Sultan Kudarat-Sarangani-General Santos City).

Ang WB-International Bank for Reconstruction and Development (IBRD) ang siyang third largest official development assistance (ODA) partner ng Pilipinas, na mayruong active loans and grants na nagkakahalag ng nasa US$6.8 billion o 21.2 percent sa kabuuang ODA.