-- Advertisements --

Magbigay ng karagdagang 530 million dollars ang World Bank bilang suporta sa Ukraine.

Dahil dito, aakyat na sa 13 billion dollars ang assistance na naibigay ng bangko simula ng pananalakay ng Russia.

Ang nasabing ayuda ay mula sa United Kingdom na 500 million dollars at 30 million dollars naman mula sa Kingdom of Denmark.

Inihayag pa ng bangko na ang total aid na natanggap ng Ukraine ay 13 billion dollars kung saan ang 11 billion dollars ay fully disbursed.

Nauna nang sinabi ni World Bank Regional Country Director for Eastern Europe Arup Banerji na ang pinakahuling analysis ng World Bank ay naglalagay ng kabuuang pangmatagalang gastos ng muling pagtatayo at pagbawi sa Ukraine sa susunod na tatlong taon sa higit sa $100 bilyon.