-- Advertisements --
image 161

Inapbrubahan ng World Bank ang $500 million dollar loan o mahigit sa P19-B para sa quick disaster response.

Ang nasabing pondo ay para matulungan ang Pilipinas na muling itayo ang mga paaralan, health facilities at mga tahanan nang mas mabilis pagkatapos ng mga kalamidad.

Sa ilalim ng Philippines Disaster Risk Management and Climate Development Policy Loan with a Catastrophe Deferred Drawdown Option, ang gobyerno ay mayroon na ngayong mga mapagkukunan o resources upang maibalik o muling itayo ang mga mahahalagang pasilidad.

Ayon sa World Bank, ito ay pagtiyak rin na ang mga tao ay maaalagaan at makakabangon kaagad pagkatapos ng mga kalamidad.

Maaaring ilabas ang pondo kapag nagdeklara na ng State of Calamity ang pangulo ng Pilipinas bilang tugon sa isang natural disaster or public health emergency.

Ito naman ay nagdudulot ng suporta alinsunod sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 (DRRM Act).

Una na rito, ang buong halaga ng pinansiyal na suportang inapbrubahan ay magagamit sa loob ng tatlong taon.