Inaprubahan na ng World Bank ang bagong pondo para sa Pilipinas, bilang suporta sa policy reform ng bansa ukol sa climate change.
Sa inilabas na statement, sinabi ng World Bank na inaprubahan nito ang $750million na Philippines First Sustainable Recovery Development Policy Loan (DPL).
Ang nasabing programa ay inaasahang magpapalakas sa ipapatupad ng pamahalaan na reporma para lalo pang mahikayat ang mga private investment sa renewable energy, mas maayos na plastic waste management, green transportation, at iba pa.
Ayon kay World Bank Country Director Ndiame Diop, malaki ang potential ng Pilipinas para sa renewable energy, na tiyak na mapapaunlad ng bagong apprubado na utang.
Ang renewable energy aniya ay tiyak na makakatugon sa climate change at lalo pang maghahatid ng mas maraming benepisyo para sa mga pilipino, at maging sa buong mundo.
Ayon sa World Bank, una nang nag-commit ang gobierno ng Pilipinas para sa renewable energy na gusto nitong maipalit sa hanggang 50% ng total power generation ng bansa hanggang 2040.