Isiniwalat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bumaba ang bilang ng mga iniisyung work permits sa mga empleyado ng Philippine offshore gaming operators (POGO) sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, base s data ang bilang ng POGO workers na nagsumite ng aplikasyon at nabigyan ng alien employment permits ng labor department kung saan aabot lamang sa humigit kumulang 23,000 permits ang na-isyu ngayong taon.
Una rito, nasa mahigit 40,000 POGO employees ang nadiskubreng nagtratrabaho ng iligal dito sa bansa.
habang kinansela na rin ng Philippine government ang visas ng mahigit sa 1,400 foreign workers sa POGO.
Ang nasa 370 sa mga ito na kanselado ang visas ay inaasahang made-deport pabalik ng China sa loob ng dalawang linggo.
Samantala bilang tugon pa rin, sinabi naman ng Labor official na binisita pa ng DOLE ang mga kompaniya na nasa sektor at nadiskubre na ilang mga empleyado ng POGO ang walang alien employement permits at maraming paglabag sa occupational safety at health standards.
Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na ang mga kompaniya at mangagagawa na lumabag ay pagmumultahin ng P10,000 bawat isa at haharap ang mga ito sa criminal at deportation case.