-- Advertisements --
Tinalo ng Philippine women’s volleyball team ang India sa 2023 ASEAN Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup na ginanap sa Indonesia.
Hindi bumitaw ang volleyball team ng bansa at nakuha ang 25-22, 26-28, 11-25, 29-27, 18-16 at tuluyang tinalo ang koponan mula sa India.
Nanguna sa panalo sina Shaya Adorador at Aiza Maizo-Pontillas para malusutan ang India sa ikalimang set.
Susunod na makakaharap ng volleyball ng bans ang Australia sa June 23 at kailangan makuha nila ang top 2 spot para makapasok sa semifinal round.