Nakatakdang muling ilunsad ng Philippine Football Federation (PFF) ang Women’s League sa buwan ng Nobyembre.
Ayon kay PFF secretary-general Atty. Ed Gastanes na mayroon ng walong koponan ang nagpahayag ng interest na sumali.
Magsisimula ang nasabing torneo sa Nobyembre 5 kung saan sasagutin ng PFF ang lahat ng mga gastusin.
Tanging ang gagawin lamang ng mga koponan ay magtungo sa mga venue at maglaro.
Gaganapin ang mga laro sa National Training Center ng PFF sa Carmona, Cavite at sa Rizal Memorial Football Stadium.
Nakatakda nilang ianunsiyo ang ilang mga detalye ng nasabing torneo.
Unang inilunsad ang nasabing torneo noong 2016 subalit nahinto ito ng mahigit dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa mga nagdaang torneo ay nadodomina ng UAAP powerhouse na De La Salle University ang nasabing Women’s League.