-- Advertisements --

Kinansela ng women’s basketball team ng Senegal ang kanilang training camp sa US.

Ito ay dahil lima sa kanilang manlalaro ay na-deny ang visa.

Sinabi ni Senegalese Prime Minister Ousmane Sonko na dahil sa pangyayari ay nagpasya na sila ng huwag ng ituloy ang nasabing training na magsisimula mula Hunyo 22 hanggang Hulyo 3.

Dahil dito ay gaganapin na lamang ang kanilang traning sa capital na Senegal na Dakar.

Bukod sa mga manlalaro ay na-deny din ang visa ng dalawa nilang representatives ng federation, doctor, physiotherapist, steward, general manager at ministerial delegates.

Hindi naman na binanggit ng koponan ang dahilan ng pagka-denied ng kanilang US Visa.