-- Advertisements --

Pinahiya ng Minnesota Timberwolves ang Golden State Warriors, 126-114.

Ito na ang ika-apat na sunod na panalo ng Wolves para iposte nila ang kanilang ika-20 panalo.

Gayunman, inaasahang hindi na makakahabol pa sa playoffs ang team, hindi kagaya ng Warriors na merong 31-32 kartada.

Nagsama ng puwersa sina Ricky Rubio na may 26 points at ang rookie na si Anthony Edwards na nagpakita ng 25 para pangunahan ang panalo ng Minnesota.

Umeksena rin si Karl-Anthony Towns na nagtapos sa 22 points at 11 rebounds.

Sa kampo ng Warriors nasayang ang 37 poinst ni Stephen Curry na inalat pa sa unang bahagi.