-- Advertisements --

Inilipat na sa Russian penal colony si WNBA star Birttney Griner.

Sinabi ng kaniyang mga abogado na sina Maria Blagovolina at Alexander Boykov na doon niya gugugulin ang siyam na taong hatol sa kaniya dahil sa drug smuggling.

Hinihintay lamang nila ang abiso ng Russia sa US Embassy sa lugar kung saan ito dadalhin.

Kilala ang Russian penal colonies sa kakulangan ng kalinisan at gamot kung saan ang mga inmates ay pinagtatrabaho.

Magugunitang noong Oktubre ng ibinaba ang hatol kay Griner matapos na matagpuan ang isang iligal na substance na nakalagay sa kaniyang vape cartridge habang nasa paliparan ng Russia noong Pebrero.