WASHINGTON – Tumipa ng 34 points si Bradley Beal, nagdagdag ng 17 poinst at 10 rebounds si Thomas Bryant at tinalo ng Washington Wizards ang Brooklyn Nets, 113-107.

Nalagas sa Nets si Kyrie Irving matapos na makaranas ng sprain sa kanyang kanang tuhod sa fourth quarter.

-- Advertisement --

Sa naturang laro, naitala ni Irving ang kanyang season-low na 11 points.

Si Spencer Dinwiddie, na kumamada ng 12 straight points para sa Brooklyn sa huling bahagi ng third quarter at sa unang bahagi ng fourth, ang siyang nanguna sa Nets bitbit ang 26 points.

Nagtapos naman na mayroong 22 points si Joe Harris, habang may 13 points at 15 rebounds naman si Jarrett Allen.

Ito na ang ikalwang magkasunod na panalo ng Wizards, kaniang ikatlong winning streak ngayong season.