Sumalang na sa pagdinig ng US House of Representatives ang witnesses na ipinatawag para sa impeachment case laban kay Pres. Donald Trump.

Dalawa mula sa tatlong testigo ang lumutang matapos ipatawag ng House Intelligence Committee.

Kabilang dito sina William Taylor na dating US ambassador sa Ukraine; at George Kent na nakatutok sa Ukraine policy ng State Department.

Sinasabing nagpahayag noon ang dalawa, kasama ang isa pang testigo, nang pagka-bahala hinggil sa dealings ni Trump sa Ukraine.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ng mga kapwa Republican ng presidente na ang kanilang depensa ay sapat para patunayang inosente si Trump mula sa akusasyon na nakipag-ugnayan ito sa pangulo ng Ukraine para pa-imbestigahan si dating Vice Pres. Joe Biden.