Nagwagi bilang Best Actress si Winwyn Marquez 12th International Film Festival Manhattan (IFFM) para sa kaniyang pelikulang “Nelia”.
Ito ang kauna-unahang acting award ni Winwyn sa 12 taon nito sa showbiz.
Sinabi nito na hindi niya mawari ang kaniyang nararamdaman na magkahalong kaba at saya.
Kuwento pa nito noong unang natanggap niya ang mensahe ay hindi niya alam ang gagawin kung sisigaw ba o baka biktima lamang siya ng biro.
Pinasalamatan nito ang mga organizers ng award giving body dahil sa nabigyan ng pansin ang talento ng mga Filipino.
Paglilinaw niya na patuloy pa rin niya tatanggapin ang anumang role na ibibigay sa kaniya kahit na nakakuha na ito ng award sa international film fest.
Ginanap ang awarding ceremony sa Kalayaan Hall, Philippine Center sa New York City.