-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tuluyan nang kinasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide,multiple physical injuries at damage to properties ang wing van driver na sumagasa patay ng pitong aktibong pulis at isa pang retiradong PNP personnel sa kahabaan ng Purok 11,Barangay Poblacion,Naawan,Misamis Oriental.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na unang sumabog ang frontline left gear ng cargo truck na patungong Cagayan de Oro kaya nasalubong nito ang ultra van na puno ng mga naka-schooling na pulis at nabundol ng isa pang convoy dahilan ang madugo na road crash noong nakaraang linggo.

Inihayag ng opisyal na mismo ang municipal police station ng Naawan ang nagsampa ng patung-patong na kasong kriminal sa piskalya laban sa suspek na si Benjamin Mudabpe kahapon ng hapon.

Magugunitang mula sa Regional Training School ng PNP sa loob ng Camp Edilberto Evangelista na headquarters ng 4th ID,Philippine Army at patungo sana sa Misamis Occidental at Lanao del Norte nang maganap ang akisdente.

Kabilang sa mga nasawi sina Police Sr Master Sgt Eric Generalao,Senior Staff Sgt Jobille Lou Cañeda; Police Staff Sgts Michael Ermac;Marjun ReuyanAaron Ticar;Amil Manoop ug Eugene Lagcao maging si retired Police Staff Sgt Anito Abapo na may-ari sa isa mga sinakayan nila na van.

Una rin nito,magbibigay ng karagdagang financial support si Misamis Occidental Provincial Governor Henry Oaminal para sa mga pamilya na naiwan ng mga namatay na pulis at maging sa mismong mga sugatan sa aksidente.