-- Advertisements --
Pagbabawalan na ng Wimbledon Grand Slam tournaments ang mga manlalaro ng Russia at Belarus.
Ito ay dahil sa ginawang pag-atake ng Russia sa bansang Ukraine.
Sa kasalukuyan kasi ay nakakapaglaro ang mga manlalaro ng Russia at Ukraine sa mga ATP at WTA events dahil sa paggamit ng neutral flags mula ng magsimula ang pag-atake ng Russia sa Ukraine noong Pebrero 25.
Ang nasabing ban din ng Wimbledon ay maaring magiging epektibo sa ilang mga Grand Slam events dahil pinagbawalan na rin ng ITF ang dalawang bansa sa Davis Cup at Billie Jean King Cup.