-- Advertisements --

Pinatawan ng Academy Awards ng 10-year ban si Will Smith matapos ang ginawang pananampal nito sa kapwa actor sa si Chris Rock noong Oscars’ ceremony.

Sinabi nina Academy President David Rubin at CEO Dawn Hudson, na magsisimula ang ban mula Abril 8.

Dahil dito ay bawal ng makadalo ang actor sa Academy events at programa in person o kahit virtually.

Ang nasabing desisyon ay ipinataw matapos ang pag-anunsiyo ni Smith sa Academy noong nakaraang linggo.

Magugunitang humingi na ng paumanhin ang actor dahil sa ginawa nito.

Magugunitang sinampal ni Smith si Rock ng magbiro ito sa kalagayan ng asawang si Jada Pinkett Smith.