Julian Assange
Julian Assange

Ibinunyag ng United Nations na nakitaan nila ng sintomas ng psychological torture ang at ang panganib na paglabag sa kaniyang karapatang pantao si Wikileaks founder Julian Assange kapat ito ay na-extradite sa US.

Ayon kay UN Special Rapporteur on torture Nils Melzer, nakikita kay Assange ang “extreme stress, chronic anxiety at intense psychological trauma”.

Nakausap kasi ni Melzer si Assange noong Mayo 9 sa Belmarsh Prison sa London at doon isinagawa ang medical sa publisher.

Sinabi ni Melzer na ang kalusugan ni Assange ay labis na naapektuhan sa mga kinakaharap nitong mga hamon sa buhay mula ng ito ay magtago.

Nauna rito nahaharap sa patong-patong na kaso ang Australian Wikileaks founder kabilang na ang 17 counts ng Espionaged matapos na nakipagsabwatan sa dating military intelligence officer at kinuha ang mga sensitibong impormasyon.

Sakaling mapatunayan ito ng korte ay mahaharap siya ng hanggang 175 taon na pagkakakulong.