Itinutulak sa Kongreso ang pagkakaroon ng Whole-of-the-government approach sa pagtugon sa ibat ibang mga environmental disasters sa bansa.
Ito ay bilang tugon sa naging epekto ng nangyaring oil spill na idinulot ng lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro noong buwan ng Pebrero.
Ayon kay Bicol Saro Partylist Cong Brian Raymund Yamsuan, dapat ay sama-sama at magkaka-ugnay ang anumang relief at rehabilitation effort na itutugon ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan oras na may ganitong mga insidente.
Ito ay upang magkakatugma ang kinalabasan ng gagawing pagtulong para sa mga residenteng maaaring maapektuhan, kasama na ang pagbangon ng apektadong sektor.
Kasabay nito, pinayuhan ng mambabatas ang Department of Environment and Natural Resources, Bureau of FIsheries and Aquatic Rersources, at iba pang ahensiya ng pamahalaan na agad bumuo ng protocol na siyang otomatikong gagamitin oras na may ganitong mangyari sa hinaharap.
Sa kasalukuyan kasi aniya ay walang pang ‘established protocols’ na maaaring sundin ng mga ahenisya sa ganitong uri ng insidente.
Panahon na aniyang bumuo ang pamahalaan at hindi lamang nagiging reactionary ang pagtugon sa mga ganitong problema.