-- Advertisements --
Umapela ang World Health Organizaiton ng $1.5 bilyon na pondo para mabigyan ng tulong ang ilang milyong katao na naiipit sa mga kaguluhan at krisis sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na target nila ngayong taon na mabigyan ng tulong ang nasa 87 milyong katao.
Iginiit nito na mahalaga na mabuo ang nasabing halaga para mas mabilis na maibigay sa mga nangangailangan.
Sa pagtaya nito ay nasa 166 milyon katao ang nangangailangan ng health assistance sa buong mundo kabilang na ang mga nasa Palestinian territories, Ukraine, Haiti at Sudan.