-- Advertisements --

BOMBO CEBU – Kinumpirma ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na tutulong ang World Health Organization (WHO) sa mga hakbang ng pamahalaan ng lungsod laban sa COVID-19 pandemic.
Kasunod ito ng paglobo ng bilang ng mga nahawaan na umabot na ito sa 1,434 matapos madagdagan ng 17 na panibagong kaso.
Sa ulat mula sa Public Information Office, nakipagpulong ang alkalde kasama ang mga representante mula sa Department of Health-Region 7 DOH-7 patungkol sa gagawing hakbang.
Ayon kay Labella na magbibigay ang WHO ng technical assistance para sa kanilang nagpapatuloy na laban sa nakamamatay na coronavirus.
Pinasalamatan naman ng mayor ang WHO dahil nakakatulong ito upang gabayan ang mga local health authorities sa pagkontrol ng naturang virus.
















