-- Advertisements --

Itinuturing ng World Health Organization (WHO) na isang moral obligation at lahat ng mga pagsusuri ay nararapat na ilabas sa pinagmulan ng COVID-19.

Sinabi ni WHO Director Tedros Adhanom Ghebreyesus na mararapat na ilabas ng tama ang pinagmulan ng virus.

Isinagawa nito ang pahayag kasabay ng ikatlong taon na anibersaryo ng pagdeklara nila na COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Gagamitin nila aniya ang mga pag-aaral mula sa ibang bansa para maiwasang maulit pa ang nangyaring outbreak.

Magugunitang inilabas ng US na galing umano sa isang nag-leak na laboratoryo ang nasabing virus na mariing itinanggi naman ng China.