-- Advertisements --

Pinuri ng World Health Organization (WHO) ang tagumpay ng kompanyang Pfizer matapos i-anunsyo na 90% effective ang kanilang COVID-19 vaccine sa isinagawa nilang clinical trials.

Nagpasalamat si WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus sa mga scientists at global partners dahil sa patuloy na pag-develop ng ligtas at epektibong lunas laban sa COVID-19.

“We welcome the encouraging vaccine news from @pfizer & @BioNTech_Group & salute all scientists & partners around the who are developing new safe, efficacious tools to beat #COVID19,” ani Ghebreyesus sa isang online post.

“The world is experiencing unprecedented scientific innovation & collaboration to end the pandemic!”

Katuwang ng Pfizer sa pag-develop ng COVID-19 vaccine ang kompanyang BioNTech mula Germany.

Hinimok ni WHO chief scientist Soumya Swaminathan ang iba pang kompanya at institusyon na ituloy ang ginagawa nilang clinical trials sa COVID-19 vaccines, dahil ito ang kailangan ng mundo para makontrol ang pagkalat ng pandemya.

“This news should encourage all developers of #COVID19 vaccines to continue with clinical trials. The world needs several safe, effective & affordable vaccines to end this pandemic. @WHO plays key role in setting benchmarks, policy, & regulatory harmonization @GaviSeth@CEPIvaccines.”