-- Advertisements --
Nanawagan ang World Health Organization (WHO) sa mga vaccine makers na bigyang prioridad ang mga mahihirap na bansa.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na hindi pa mahalaga ngayon ang paggawa ng mga booster shots.
Maaaring iturok lamang ang mga booster shots sa mga pasyenteng immunocompromised.
Dagdag pa nito na dapat bigyang prioridad ng mga vaccine makers ang magdonate sa COVAX facility na siyang nangangasiwa sa pamamahagi ng bakuna sa mga mahihirap na bansa.
Marami pa rin aniya na mga bansa kasi ang hindi nakakapagbakuna ng mahigit sa kanilang populasyon na siyang mahalaga para tuluyang malabanan ang COVID-19.