Itiinuturing na ng World Health Organization (WHO) na nasa “decisive point” na ang coronavirus outbreak.

Sinabi ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na isa ng pandemic ang COVID-19 kaya nararapat na doblehin na ng mga bansa ang kanilang hakbang para maiwasan ang nasabing pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan ng virus.

Sinabi pa nito na hindi ito ang panahon ng pagkatakot at sa halip ay dapat gumawa na ng hakbang ang bawat bansa.

Pinayuhan din nito ang mga bansa na ang mahalaga ay kung paano hawakan nito ang mga nadadapuan ng nasabing virus.