-- Advertisements --

Nagsagawa ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) para talakayin ang banta nang mabilis na pagkalat ng mga bagong variants ng coronavirus.

Ito ay matapos na napilitang magpatupad ng panibagong mga restrictions ang iba’t ibang bansa na nakakaranas nang pagsirit ng COVID-19 cases bunsod nang mutation ng virus.

Kadalasan kada tatlong buwan kung magkita-kita ang miyembro ng komite, pero minabuti ng WHO na magpulong sa lalong madaling panahon para talakayin ang mutation ng virus, na sinasabing mas nakakahawa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, pag-uusapan nila ang mga lumutang na bagong variants ng coronavirus at ang banta nito, pati na rin ang potential use ng mga bakuna kontra rito at testing certificates para sa international travel.

Ito na ang ika-anim na pulong ng WHO International Health Regulations emergency committee patungkol sa COVID-19.