-- Advertisements --

Nagsasagawa ang World Health Organization ng isang emergency meeting upang talakayin ang kamakailang monkeypox outbreak, isang viral infection na mas karaniwan sa west and central Africa.

Higit sa 100 mga kaso naman ang nakumpirma o pinaghihinalaan sa Europa.

Inilarawan ito ng Germany bilang pinakamalaking outbreak sa Europe, naiulat ang mga kaso sa hindi bababa sa siyam na bansa — Belgium, France, Germany, Italy, Netherlands, Portugal, Spain, Sweden at United Kingdom — gayundin sa United States, Canada at Australia.

Iniulat ng Spain ang 24 na bagong kaso, pangunahin sa rehiyon ng Madrid kung saan isinara ng gobyerno ng rehiyon ang isang “sauna” na nauugnay sa karamihan ng mga impeksyon.

Ginagamot naman ng isang ospital sa Israel ang isang lalaki na na- edad sa 30-anyos na nagpapakita ng mga sintomas na pare-pareho sa sakit pagkatapos na dumating kamakailan mula sa Western Europe.

Una itong natukoy sa mga unggoy, ang sakit ay karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng close contact at bihirang kumalat sa labas ng Africa, kaya ang serye ng mga kaso na ito ay nagdulot ng pag-aalala.

Gayunpaman, hindi inaasahan ng mga siyentipiko na ang pagsiklab ay magiging isang pandemya tulad ng COVID-19, dahil ang virus ay hindi madaling kumalat gaya ng SARS-COV-2.