-- Advertisements --

Naglabas ng ikatlong global situation report ang World Health Organization (WHO) kaugnay ng tumitinding health status sa Middle East.

Ayon sa ulat, dumami ang mga pag-atake sa mga ospital, ambulansya, at health workers na nagdudulot ng malaking pinsala sa health system at paglabag sa international humanitarian law.

Naitala rin ang apat na pag-atake sa desalination facilities sa Iran, Bahrain, at Kuwait na nagresulta sa panganib ng water shortages at outbreak ng waterborne diseases.

Bagama’t nananatiling matatag ang global supply ng medical commodities, nahihirapan ang paghatid ng humanitarian health supplies dahil sa airspace restrictions at tumataas na transportation costs.

Kabilang sa pangunahing banta ang trauma, injuries, limitadong access sa health services para sa displaced persons, at lumalalang pangangailangan sa mental health support.

Bilang tugon, aktibong binabalangkas ng WHO ang health risks at nagbibigay ng teknikal na suporta sa pamamahala ng tubig, sanitation, immunization, at disease outbreak readiness. (report by Bombo Jai)