Binigyang-diin ng World Health Organization (WHO) na kailangang gawing prayoridad ng mga bansa ang pagsasagawa ng coronavirus testing.
Sinabi ni WHO Director Gen. Tedros Adhanom Gebreyesus na hindi sapat ang pagpapatupad ng social distancing para makaiwas sa coronavirus pandemic.
Ayon pa rito, kasabay nang mabilis na paglobo ng positibong kaso at namamatay sa labas ng China ay ang agarang pagpapatupad ng mga bansa ng social distancing measures.
Katulad na lamang ng pagpapasara sa mga eskwelahan, pagkansela ng malalaking events at pati na rin ang papatupad ng work from home para sa mga empleyado.
Kailangan din umanong malaman ng mga bansang apektado kung hanggang saan na kumalat ang virus.
Batay sa huling tala, umabot na ng halos 167,000 katao ang infected ng COVID-19 sa buong mundo at 6,600 ang namatay.
“We have a simple message for all countries: test, test, test. But we have not seen an urgent-enough escalation in testing, isolation and contact tracing, which is the backbone of the response,” mensahe ni Dr. Tedros.
Pumalo naman sa 27,980 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus habang 2,158 naman ang nasawi.
Inamin ni French President Emmanuel Macron na kasalukuyang nakikipaglaban ang kanilang bansa sa isang kalaban na hindi nila nakikita.
Ipinag-utos din nito sa lahat ng Italyano na manatili na sa loob ng kanilang mga bahay sa loob ng 15 araw. May karampatang parusa naman na naghihintay para sa lalabag dito.
Kinokonsidera na rin umano ng European Union ang 30-day entry ban kasabay nang paghihigpit ng mga kasapi nitong bansa sa kanilang border controls.