-- Advertisements --

Nag-alok ang World Health Organization (WHO) na palitan ang COVID-19 vaccines na ibinigay na donasyon kung sakaling mag-expire na ang mga bakuna ayon sa Department of Health (DOH).

Subalit pagtitiyak naman ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, head ng National Vaccination Operations Center (NVOC) mayroong sapat na suplay ng mga bakuna at umaasang maibabakuna bago ang nakatakdang expiry date.

Aminado si Cabotaje na isa sa hamon ngayon ang huling yugto dahil talaga aniyang naging mahirap din na maabot ang nasa one-third ng target population ng bansa o 67 million na makumpletong mabakunahan.

Nauna nang sinabi ni presidential adviser for entrepreneurship Sec. Joey Conception na nasa P40 billion ang halaga ng COVID-19 vaccines na maaaring masayang dahil sa mababang immunization turnout.

Samantala, base sa datos ng gobyerno nasa 12.6 million Pilipino na ang nakatanggap ng ikatlong bakuna o unang booster dose.