-- Advertisements --

Ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang sapilitang paglilikas sa mga pagamutan sa Gaza Strip dahil sa labanan ng Israel Defense Forces at Hamas militants.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang nasabing hakbang ay lalong magdudulot sa kapahamakan ang buhay ng mga pasyente.

Mayroon kasing 23 mga pagamutan sa Gaza City ang inatasan ng Israel Defense Forces na ilikas ang mga pasyente para hindi na sila madamay sa nasabing kaguluhan.

Nanawagan din ang WHO head ng tigil-putukan para hindi dumami pa ang bilang ng mga nasasawi.