-- Advertisements --
Nananatiling malamig pa rin ang World Health Organization (WHO) na tuluyan ng tanggalin ang emergency alarm ng COVID-19 sa mundo.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na nakakabahala pa rin ang mataas na bilang na nasasawi dahil sa nasabing virus.
Noong nakaraang dalawang buwan aniya ay mayroong 170,000 na kaso ang nasawi sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Ilan sa mga nakikita nito kaya tuluyang bumaba ang kaso ay marami sa populasyon na ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.










