-- Advertisements --
Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na nakatakdang silang makipagpulong sa mga organizers ng Tokyo Olympics at International Olympic Committee (IOC).
Ayon kay Mike Ryan, ang head ng WHO’s emergencies program, ang kanilang hakbang ay matapos na makarating sa kanilang impormasyon na papayagang na makapanood ang 10,000 mga Japaneses fans sa magaganap na ilang games sa Olimpiyada.
Una nang iniulat din ng mga organizers na ang mga dayuhang sports fans ay bawal muna sa Olympics na magsisimula na sa July 23.
Ayon naman sa WHO, kung tutuusin mas mababa ang infection rates sa Japan ng COVID-19 kumpara sa ilang mga bansa na host din ng malalaking sports events.