-- Advertisements --

Inirekomenda ng World Health Organization (WHO) ang pagrolyo ng kauna-unahang malaria vaccine sa kasaysayan para sa mga bata sa sub-Saharan Africa at iba pang mga rehiyon na may moderate to high risk ng malaria transmission.

mALARIA MORQUITO

Tinatawag itong RTS, S/AS01 malaria vaccine na dinivelop ng pharmaceutical giant na GSK.

Ito ang unang pagkakataon na inirekomenda ng WHO ang malawakang paggamit ng malaria vaccine laban sa human parasite kasunod ng matagumpay na isinagawang pilot immunization program sa Ghana, Kenya at Malawi.

Sa inilabas na findings ng isinagawang pilot vaccination ng Malaria vaccine, lumalabas sa resulta mula sa mahigit two million doses ng malaria vaccine na ibinahagi ng expert advisory groups na ligtas ang naturang bakuna at 30% na epektibo laban sa severe malaria.

Wala ring nakitang negatibong impact sa ibang mga bakuna kontra malaria at cost-effective.

Inilarawan ito ni WHO director-general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus bilang historic moment at itinuturing na breakthrough sa larangan ng siyensiya na makakapagligtas sa libu-libung buhay ng mga bata kada taon.

Malaria vaccine

Ang malaria ay dulot ng isang parasite na nakakapinsala sa blood cells ng isang tao na naihahawa sa pamamagitan ng pagsipsip ng dugo ng lamok na itinuturing na mas mapanganib kumpara sa COVID-19.

Naitala ang pinakamaraming death toll bunsod ng malaria disease sa Africa na nag-iwan ng mahigit 260,000 mga bata ang nasawi noong taong 2019. (with reports from Bombo Everly Rico)