-- Advertisements --
Maglalabas na ng opisyal na pahayag ang World Health Organization (WHO) ukol sa isyung maaaring makahawa ang Wuhan coronavirus sa pamamagitan ng nalalanghap na hangin.
Kasunod ito ng lumabas na artikulo sa China na nagsasabing airborne na ang deadly virus.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroon nang 1,018 na nasawi dahil sa naturang sakit.
Pero giit ng WHO, nananatili sila sa resulta ng pag-aaral na droplets lamang ang paraan para mailipat ang virus mula sa host patungo sa bagong biktima.
Lumalabas na nabuo ang ideya na maaaring airborne na ang Wuhan coronavirus dahil sa maling translation nito mula sa medical term ng mga eksperto.